LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang kapwa panday ng Pandayan Bookshop
GE Margie Bonaobra
Ang totoo po, sabi ko sa sarili ko, hindi naman talaga ako makakarating sa mga magagandang lugar para makapamasyal at maglibang kung hindi dahil kay Pandayan. Hindi ko naman po kasi hilig talaga.
Kumbaga, yung perang aking gagastusin sa ganito, pinanghihinayangan ko na sa ganito po mapupunta lalo kung may kalakihan. Sa isip ko, mas may ibang importanteng mapaglalaanan ang perang ilalaan ko po para dito.
Pero ang kahanga-hanga sa palakad ng Pandayan, kasama sa budget at benepisyo ang ganito para sa mga Kapwa upang mapalago ang emotional bank account ng kaniyang empleyado.
Hindi puro work, work, work. Praktisado ang “Hasain ang talim”, hindi lang para sa IQ kundi para din sa EQ. Para sa kaniya at sa mga Boss, ang perang naging gastos dito ay investment para sa kaniyang mga invisible assets.
Sabi nga po ng mga SE ko na unang beses pa lang nakasama sa integration, ang sarap pala ng ganoong feeling. Yung kahit dalawang araw lang na totally stress free talaga. Maganda ang lugar at akmang-akma para makapagmuni-muni. Yung wala kayong ginawa kundi magtawanan all the time.
Maraming salamat po Boss sa kabutihan ninyo sa aming mga empleyado. Maraming salamat sa pagpaparamdam na kami ay mahalaga. At sa paglinang sa amin hindi lang psychologically, maging emotionally healthy din.
Maswerte po kaming mga Kapwa dahil sa mabuti ang aming kompanya. Gumagawa ayon sa kalooban ng Diyos ang mga may-ari nito.