Isa na namang nagsusumikap makaahon sa hirap ang nabiyayaan ng NegoKart package ng Antipolo City.
Tinangggap ni Aling Elba Dig, 45, taga Barangay San Juan ang gasulette, stainless single gas burner, sauce squeezer bottle, burger and hotdog griller, stainless steel griddle, plastic wrapper, spatula scraper at juice container.
Kasama sa package ang mga produktong paninda tulad ng hamburger buns, burger patties, hotdog footlong, mayonnaise, ketchup, cheese, hotdog, cooking oil, at iba pa.
Tanging hangad ni Aling Elba ang mapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga anak at kahit papaano ay magkaroon ng maayos na tahanan para sa kanilang pamilya.
Kasalukuyang sa isang maliit tahanan na gawa lamang sa tarpaulin na dingding ang tinitirhan ni Aling Elba kasama ang kanyang asawa at pitong anak.
Dating factory worker si Aling Elba ngnuit nawalan siya ng trabaho at tanging ang asawa na lamang niya ang naghahanabuhay bilang isang helper. Pinipilit nilang pagkasyahin ang kita ng kanyang asawa para sa kanilang mga personal na pangangailangan at para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Ang panganay nilang anak ay kasalukuyang nasa kolehiyo na, ang pangalawa ay nagtatarabaho upang makatulong sa kanilang gasutusin. Ang pangatlo at pang-apat ay pawang nasa senior high, ang panglima at pang-anim naman ay nasa elementarya at ang bunso ay tatlong taong gulang pa lang.
Laking tulong sa kanilang pamilya ang natanggap na Negokart package sa kanila.
#NegokartStories #PangkabuhayanSerye