Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang lokal na Pamahalaan ng Rizal at ang PH Renewables, Inc. (Global Business Power) para sa pagpapatayo ng 115 MW Solar Power Plant sa Barangay Pinugay, Baras, Rizal.
Sa sukat na 130 ektarya ay maituturing na isa ito sa pinakamalaking solar farm sa Pilipinas.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Rizal Governor Nini Ynares na hindi lang murang kuryente ang hatid ng proyekto kundi malinis din na kapaligiran na siyang isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa ilalim ng YES Program.
Inaasahang magbibigay ng trabaho sa mga RizaleƱo ang nasabing proyekto at maaaring maging isang tourist attraction ang naturang solar farm tulad na lang ng itinayong Wind Farm (Mills) sa bayan ng Pililla noong panahon ni dating governor Jun Ynares, M.D.
Inaasahang matatapos ang nasabing proyekto at magsisimula ang operation nito bago matapos ang taon.
Ang seremonya na ginanap sa Kapitolyo ng Rizal ay dinaluhan ng mga opisyal ng Pamahalaang Bayan ng Baras sa pangunguna ni Mayor Kathrine Robles, PH Renewables, Inc. (Global Business Power) sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Jaime Azurin, at iba pang mga panauhin.
#YEStoGreen #CleanAndRenewableEnergy