Tumanggap si Nanay Vilma Cadiz, 46, ng Barangay San Jose ng Pangkabuhayan Sari-Sari Store Bigasan Package mula sa Antipolo City.
Napakalaking tulong nito kay Cadiz na may anim na anak. Natigil sa trabaho ang kanyang asawa dahil sa aksidente kaya naman kinailangang magsumikap siya upang maitaguyod ang kanilang pamilya.
Umuutang ng five-six si Cadiz. Kapit sa patalim na siya para lang magka puhunan sa kaniyang mga inilalakong biskwit at mga gulay. Pag madami ang benta, karaniwang kumikita lamang siya ng P200 hanggang P300 buong maghapon.
Ang katiting na kita na ito ay kulang na kulang sa kanilang pangangailangan at pagkain, at ang karaniwang ulam lamang ng buong pamilya ni Cadiz ay Magic Sarap na hinahalo sa kanin. Ngunit sa kabila nito, taglay niya ang mga katangian na dapat mayroon ang bawat Antipolenyo. Kasipagan. Pagtitiyaga at Pananampalataya.
Kaya’t ginantimpalaan ni Lord ang lahat ng kaniyang mga sakripisyo pagkatapos siya mabigyan ng Pangkabuhayan Sari-Sari Store Bigasan Package.
Kasama sa Pangkabuhayan Package ang tatlong kaban ng bigas, instant noodles, canned goods, condiments, biscuits, coffee, gatas, chips, candies, asukal, asin, sabon, mga shampoo, toothpaste, fabric detergents, fabric conditioners, dishwashing liquids, laundry detergents at pati na rin ang timbangan at sando bags.
Nagkaroon ng bagong simula si Cadiz at kanyang pamilya dala ng Pangkabuhayan Package.
#VilmaCadiz #PangkabuhayanSet #ThankYouLord