Magandang balita sa mga kabataan ng Barangay San Jose.
Naipamahagi ng Barangay San Jose ang Scholarship Allowance (1st Wave) noong ng Sabado April 23, 2022 sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Council na pinamumunuan ni SK Chairman Monte Tolentino.
Layunin ng proyektong ito na suportahan ang mga kabataan sa kanilang gastusin sa pag-aaral at upang makatulong na rin kahit papaano sa kanilang pamumuhay.
Laking pasasalamat ng mga kabataang tumanggap ng allowance dahil sa napakalaking tulong nito lalo na ngayong panahon ng pandemya kung saan napakaraming residente ng Antipolo – pati mga kamag-anakan ng mga kabataang benepisyaryo – ang nawalan ng trabaho, negosyo at pinagkakakitaan.
Pinasalamatan ng SK San Jose si Mayor Jun-Andeng Ynares, Vice Mayor Pining Gatlabayan at Kapitan Boy Borja sa walang sawang pag suporta sa mga proyekto nila.
Nagpasalamat din ang Sangguniang Kabataan ng San Jose kay SK Federation President Peter Papel Jr., sa Agimat Partylist at sa Team Nationalist People’s Coalition na nakiisa at tumulong sa pamimigay ng scholarship allowance.
Sinabi ng SK San Jose na naging matagumpay ang proyekto dahil sa mga walang sawang tumulong.
#KabataanangBIDA #ISKOLARngSanJose #ParasaKabataan