Kahit weekend Saturday November 6, tumatanggap ng Walk-in sa mga taga-Antipolo, 18 years old and above, para mabakunahan ng SinoVac, AstraZeneca, Pfizer, Moderna, Sputnik at SinoPharm.
Para sa 1st dose mag rehistro sa vaccination program https://antipolobantaycovid.appcase.net/. Magdala ng anumang VALID GOVERNMENT ID para mag Walk-in 8 a.m to 4 p.m. sa alin mang vaccination site.
Para sa 1st dose ng SinoVac o 2nd dose para sa mga nabakunahan ng 1st dose matapos ang 28 days o higit pa, maaari mag Walk-in 3rd floor, Ynares Events Center; WalterMart Mall, Circumferential Road, Barangay San Roque; at 2nd floor, Xentro Mall Antipolo.
Para sa 2nd dose ng AstraZeneca, para sa nga nabakunahan ng 1st dose matapos ang 8 weeks o higit pa, maari mag Walk-in sa 2nd floor, City Mall of Antipolo (CMA), Olalia Road, Barangay Dela Paz.
Para sa 2nd dose ng Pfizer sa mga nabakunahan ng 1st dose 21 days o higit pa, pwede mag Walk-in sa 3rd floor, SM Cherry Antipolo.
Para sa 2nd dose ng Moderna sa mga nakakuha ng 1st dose 28 days o higit pa, maaari mag Walk-in sa 2nd floor, Victory Park and Shop (in front of Antipolo Cathedral.
Samantala, para sa 2nd dose Sputnik at SinoPharm sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.
Pinapaalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen. Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.