Kahit Sunday October 31 tumatanggap ng Walk-in, taga-Antipolo man o hindi, para mabakunahan ng AstraZeneca, SinoVac, Pfizer, at Moderna.
Para sa 1st dose mag rehistro sa vaccination program https://antipolobantaycovid.appcase.net/.
Kailangang magdala ng anumang VALID GOVERNMENT ID para mag Walk-in 8 a.m to 4 p.m. sa alin mang vaccination site.
Para sa 1st dose ng AstraZeneca o 2nd dose, para sa nga nabakunahan ng 1st dose matapos ang 8 weeks o higit pa, maari mag Walk-in sa 2nd floor, City Mall of Antipolo (CMA), Olalia Road, Barangay Dela Paz; 3rd floor, SM Cherry; at 3rd floor, iMall Antipolo.
Para sa 1st dose ng SinoVac o 2nd dose para sa mga nabakunahan ng 1st dose matapos ang 28 days o higit pa, maaari mag Walk-in sa 3rd floor, Ynares Events Center; 2nd floor, Victory Park and Shop sa harap ng Antipolo Cathedral at sa 3rd floor, SM City Masinag.
Para sa 1st dose ng Pfizer, o kaya 2nd dose sa mga nabakunahan ng 1st dose 21 days o higit pa, pwede mag Walk-in sa 2nd floor, SM Cherry Antipolo; Ground floor, Robinsons Place Antipolo; at 2nd floor, Xentro Mall Antipolo.
Para sa 1st dose ng Moderna, o kaya 2nd dose sa mga nakakuha ng 1st dose 28 days o higit pa, maaari mag Walk-in sa WalterMart Mall, Circumferential Road, Barangay San Roque.
Samantala, para sa 2nd dose Sputnik at SinoPharm sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.
Pinapaalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan. Mga 12 to 17 years old sa November 3 pwede na na.
Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen. Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.