Tatanggap ng WALK-IN bukas, September 21, 2021, Tuesday para sa mga unang beses pa lang magpapabakuna sa Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.
Hanggang 1,000 ang pwedeng bakunahan bukas ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Pumunta lamang sa 3rd floor, Ynares Events Center ang mga gustong magpabakuna taga Antipolo ka man o hindi.
Samantala tatanggap din ng WALK-IN bukas September 21, Tuesday para 2nd dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga hindi nakakatanggap ng pangalawang dose matapos 28 days o higit pa.
Pumunta lamang sa mga sumusunod na vaccination sites: Antipolo Cathedral, OLPS Gym; Waltermart Mall, Circumferential Road; 3rd Floor, SM Masinag; 2nd Floor, XENTRO Mall Antipolo, Sumulong Highway; Ground floor, Robinsons Place Antipolo; 2nd floor, SM Cherry; at 2nd Floor, Victory Park and Shop Mall near Antipolo Cathedral.
Tatanggap din ng Walk-In bukas September 21 para 2nd dose ng Pfizer para sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 3rd floor, SM Cherry;
Tatanggap din ng Walk-In bukas September 21 para 2nd dose ng AstraZeneca sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 8 weeks o higit pa. Pumunta lamang sa 3rd floor, iMall Antipolo
Tandaan na may umiiral pa rin na curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga gustong tumanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, huwag kalilimutang dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Sa ngayon, ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.
Sa mga non-Antipolo residents, siguraduhin na rehistrado sa vaccination program via https://antipolobantaycovid.appcase.net/.