Sa gitna ng sobrang kagipitan at kahirapan ng karamihan, inilunsad ng Soroptimist International (SI) ng Antipolo ang MATibay na Hanapbuhay noong March 5, 2022 para sa mga nanay ng Brgy. Dela Paz na kapartner na barangay ng SI Antipolo. Layunin nito na i-train ang mga beneficiaries para magkaroon ng kakayahang kumita kahit pang-ambag man lamang sa gastusin sa pagkain ng pamilya.
Tumanggap ng grant at incentive ang SI Antipolo mula sa SOROPTIMIST INTERNATIONAL OF THE AMERICAS PHILIPPINES REGION noong Biennium 2020-2022 para sa programang pangkabuhayang ito na siyang ginastos sa 2 araw na training at mga gagamitin sa paghabi ng mga doormat at bathroom mat o rug.
Sa kasalukuyan, may mga 20 kababaihan (average age, 41) na kasali sa programang ito. Bagamat kung minsan ay may mga humihinto pansamantala dahil nagkasakit o nag-aalaga ng anak o kapamilyang maysakit.
Patuloy na itinataguyod ng SI Antipolo ang programang ito sa pamamagitan ng pag-supply ng retasong ginagamit sa paghabi, pagbili ng mga nayaring produkto sa mga nanay at pamamahala sa pagbebenta ng mga yaring produkto.
Ang programang pangkabuhayang ito ay nakapagpupuno sa mahigpit na pangangailangan ng mga beneficiaries sa panahong maraming nagugutom hindi lang dahil sa kawalan ng trabaho na sapat na makapagtutustos sa pangangailangan ng pamilya, kundi kasabay pa ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang pang-araw-araw na pangangailangan.
Masaya ang mga nanay tuwing natatanggap nila ang bayad sa kanilang nayaring mga mats o rugs na ginagawa lang naman nila sa oras na wala silang ginagawa sa bahay. Natutuwa rin ang SI Antipolo dahil nagagampanan nito ang Soroptimist mission na i-improve ang buhay ng mga kababaihan at kabataang babae sa pagkakaloob sa kanila ng kailangan nilang training para magkaroon ng kakayahang pinansiyal (to improve the lives of women and girls by providing the training they need to achieve economic empowerment). Bendette McFarland