LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Margie Bonaobra – Pangkat 12
“Work is LOVE made visible”. Nauunawaan ko naman ang punto ng quote na yan pero mas lumalim lang nitong nagpandemya:
1. Hindi ko na maisa-isa ang ginawang desisyon at ilang nabagong patakaran ng Sandigan para maiparamdam sa mga Kapwa na hindi tayo pababayaan ng Pandayan. Sa dami ng mga empleyadong naisama sa mass layout, mga kumpanyang nagsara dahil di na man na makatabla, pero ang Pandayan, nanatiling nakatayo para sa mga Kapwa Panday ng may mga bagong dagdag benepisyo na naka-linya ayon sa krisis na dulot ng pandemya. Isipin mo, ang ibang kumpanya tinipid na lahat lahat maging para sa empleyado niya pero ang Pandayan, inuuna pa rin ang kapakanan ng tinatawag niyang invisible asset.
Sa araw-araw na Diwa ng Panday na naghahatid ng good vibes sa ating mga Kapwa at ang pagtitiyak na may positibo tayong pananaw kung paano natin ito sabay sabay haharapin, mararamdaman mong tunay na ang “Work is LOVE made visible”. Sa mga desisyon at gawa, ramdam natin ang pagmamahal ng mga Boss sa kanilang invisible assets.
2. Mahigpit na ang kompetisyon sa merkado bago pa nagpandemya pero ng dumating ang COVID, nakita nating maraming in-explore at out of the box na mga initiative ang lahat ng Kapwa Panday na naging dahilan kung bakit higit tayong mas mabilis na nakatayo kumpara sa iba. Talagang mga bagay na akala mo imposible pero pwede at kaya pala kasi nga ang katwiran ng mga Kapwa, “Walang duwag na Panday”! Mga tipong “beyond measure” na mga pagkukusa para matulungang makabawi agad ang Pandayan. Bukod sa mga dati ng gawain sa physical store, marami ang naidagdag sa mga gawain ng mga Kapwa sa virtual world nang limited manpower pero magugulat ka talaga kung paano iyon nakakaya, kasi nga, “Work is LOVE made visible”.
3. Panghuli, itong faceshield project. Hanggang ngayon, sa tuwing babalikan ko ang senaryo na iyon sa Cauayan Disrtict Hospital, di ko mapigilan maluha. Ganun pala kapag makaranas ka ng hindi matatawarang pagkakataon, yung damdamin parang laging on height kahit lumipas na ang panahon. Priceless at hindi maipaliwanag talaga ang pakiramandam. Halos lahat ng Kapwa nagkusa mag-volunteer para gawin iyon at ipamigay ng di alintana ang takot, iba’t ibang klase ng paghihigpit sa kalsada at banta din ng COVID pero di naman alintana ng Kapwa. Kasi nandun ang pagmamahal sa ginagawa.
Dahil sa mga ito, mas naitindihan ko na, “Hindi ako tinawag ng Diyos para magtagumpay. Tinawag niya ako para manindigan. Ang bunga ng pananampalataya ay pagmamahal. At ang bunga ng pagmamahal ay paglilingkod”.
“Work is love made visible” dahil tayong mga panday, hindi lang nagtatrabaho o nagtitinda, bagkus nagmamahal at naglilingkod.