LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Jenneylyn Garcia, Lemery
Nagpapasalamat po ako na nabigyan ako ng pagkakataon upang maging regular na Kapwa sa Pandayan Bookshop. Hindi ko po inaasahan na magiging regular po ako dahil ito po ang unang beses na nakapagtrabaho ako.
Masasabi ko po na malaki ang nagbago sa aking buhay mula noong makapagtrabaho ako sa Pandayan. Marami akong nadiskubre sa sarili ko na kaya ko pa lang gawin. Katulad po ng pag-facilitate ng workshop at pakikipag-interact sa ibang tao. Mahiyain po kasi talaga ako at tahimik. Lumaki po kasi ako na school at bahay lang.
Hindi ko po naranasan makipagbarkada sa mga kaedad ko. May pagka-istrikto po kasi ang aking mga magulang kung kaya maraming bagay na kahit gusto ko ay hindi naman po pwedeng gawin.
Marami po akong nakakausap na iba’t ibang tao at naging kaibigan ko rin ang mga Kapwa Probee.
Masaya po ako sa pagtatrabaho ko dito dahil marami akong bagay na natutunan lalo na po sa pakikipagkapwa. Ang bawat isa po sa amin ay magalang at marunong makisuyo.
Ito po ang masasabi kong kakaiba sa Pandayan. Ramdam po namin ang malasakit sa isa’t isa. Mas pagbubutihan ko pa po ang aking mga ginagawa at hindi ko po sasayangin ang pagkakataon na maging isang Panday.