Tinutugunan ni Doc Monte Tolentino M.D., SK Chairman ng Barangay San Jose, ang mga dumudulog sa kanya at nanghihingi ng tulong.

Kamakailan lamang lumapit sa kanya ang isang anak na gustong mabigyan ng kaunting ginhawa ang kanyang ama na stroke victim. Tumugon naman agad si Doc Monte sa pangangailangan ni Ate Cristina Nalazon.

“Wish ni Ate Cristina na magkaroon ng wheelchair ang ama niya na si Bienvenido Nalazon. Ang kaniyang tatay kasi ay na-stroke kaya hindi nito kayang maglakad. Hirap man ang pamilya nila sa pinansyal, hindi nawawalan ng pag-asa si Ate Cristina na mabibigyan niya ng maginhawang buhay ang tatay niya,” sabi ni Doc Monte sa kanyang Facebook page.

“Bilang doktor, hangad kong magkaroon ng magandang buhay at kalusugan ang mga kabarangay natin. Tatay Bienvenido, sana po ay makatulong ang munting regalo naming assistive device (wheelchair). Nawa magbigay po itong kaginhawahan sa inyong buhay. Dalangin po namin ang mabilis ninyong paggaling. Love you tay!”

#DocMonteTolentino #MakabagoatTalino #TeamPagbabago #DocMonteTolentinoSanJose2023 #sanjose #barangaysanjose #brgysanjose #antipolocity #antipolo #antipolonews #rizal #rizalnews