HATAW NA.
Ginanap ang opening ng 1st Doc Monte Softball Tournament sa pangunguna Barangay San Jose Sangguniang Kabataan Chairman Doc Monte Tolentino, April 30, 2023 sa Sitio Pantay, Barangay San Jose, Antipolo City.
Panauhing Pandangal si Mayor Jun Ynares na kinatawan ni Konsehal Susan Garcia-Say.
Kasama ni Doc Monte Tolentino sina Kagawad Emily Cruz, Kagawad Tessie Santos, Marlon Algaba, Empoy Andrade at Neng Samson.
Sinimulan ang opening ceremonies ng isang parade sa pangunguna ng isang Marching Band. Nagsimula ang parade sa Pantay Elementary School Multi-Purpose Covered Court.
Nagperform sa napakasayang opening ang Viva Monte dancers at mga guest singers.
Dalawa ang kategorya ng tournament. Seniors (16 years old and above) at TBall (eight years old and below). Sila Lengleng Andrade, Bobby Gantong at Ed Zapanta ang mga nagpatakbo sa tournament.
Naglaro ng softball sa Pantay. Libre ang registration at bukas ang tournament sa lahat ng Antipolo City residents.
Patuloy na isinusulong ni Doc Monte ang sports na napaka importante sa ating buhay. Pinapalakas ng sports ang ating immune system, katawan at pagpapanatili ng pisikal na koordinasyon.
Nagpapa-aktibo rin ito sa ating utak at paraan upang mabawasan ang calories at fats sa ating katawan upang maging fit tayo. Nagpapababa din ito ng stress. Makakahalubilo rin natin ang marami na maari nating maging kaibigan.
Kaya tayong lahat, lalo na mga kabataan, dapat maglaro ng sports activities.