Handog ng Team I LAB YOU ang Ugnayan ng Kabataan na gaganapin 4 PM, April 22, Sabado sa St. Anthony Covered Court, Barangay Inarawan.

Magkakaroon dito ng raffle at games, dance contest, snacks, kantahan at party, party bilang isang malaking Happy Birthday celebration ni I LAB YOU President Henessy Mae Divinagracia.

Kasama sa Team I LAB YOU sila Divinagracia, Kim Farre, Hannelyn Garcia, Aieshylle Cawaling Dalmacio, Aliyah Palomar, Jasmine Heart Marquez Francia, Rose Ann Hizole at Zedrick San Antonio Fetalver.

Ang Inarawan Integrated Liga at Barkadahan Youth Organization o mas kilala bilang Team I LAB YOU ay kabalikat ng barangay at pamahalaang lungsod para itaguyod ang mabuting adhikain para sa mga kabataan.

Layunin ng Ugnayan ng Kabataan makapagdagdag saya at mailapit sa mga kabarangay ang serbisyo partikular sa mga ‘Pag-asa ng Bayan’. Ito ay isang caravan na iikot sa ibat-ibang komunidad upang makipagdaupang palad sa mga kabataan, alamin ang kalagayan at mahatiran ng inspirasyon.

Ang kasalukuyang Pangulo ng Team I LAB YOU na si Henessy Mae Divinagracia ay mula sa pangkaraniwang pamilya na may layuning makapag-ambag ng saya at pag-asa sa kapwa niya kabataan.