Maaring maging daan para sa pag-angat sa buhay ng mga kabataan ng Barangay San Jose ang mga NegoKart na pinamigay ng Sangguniang Kabataan sa pamumuno ni SK Chairman Monte Tolentino.
“Gamitin po ninyo bilang stepping stone ang mga NegoKart sa pagtupad ng mga pangarap ninyo sa buhay at upang magkaroon kayo ng mas marami pang negosyo sa hinaharap,” sabi ni Tolentino sa mga tumanggap ng NegoKart.
Instant kabuhayan ang ibinigay ng NegoKart sa mga benepisyaryo ng programa kasama na ang Katipunan ng Kabataan sa mga sitio, mga Kabataang Lodi ng San Jose, at mga piling kabataang na nangangailangan ng tulong pinansyal.
Pinasalamatan din ng SK si Mayor Jun Ynares at si Barangay San Jose Punong Barangay Boy Borja.
Kauna-unahan sa Rizal Province ang ginawa ng SK San Jose na namahagi ng mga NegoKart para sa mga kabataan. Layunin nito na magkaroon sila ng munting negosyo upang matustusan ang kanilang pag-aaral, pangangailangan ng pamilya at umunlad ang kanilang buhay.
Ipinamigay ang mga NegoKart sa Barangay Hall ng San Jose at sa covered court sa Sitio Old Boso-boso. Dinagdag pa ni Tolentino na magiging magandang simula ng negosyong pangkabuhayan ang mga NegoKart.
Dumalo si Vice Mayor Pining Gatlabayan, Konsehal Doc Ian Masangkay, Konsehal Christian Alarcon, mga San Jose Kagawad Paolo Garcia, Tess Mata at Emerson Palad, SK Adviser Rey Rivera, SK Kagawad Joi Algaba at SK Secretary Jackzon Remondavia sa ginawang pamimigay ng NegoKart sa Barangay Hall ng San Jose.
Nasa Sitio Old Boso-boso covered court si Tolentino kasama sila Konsehal Michael Leyva, mga SK Kagawad Mikko Suarez, Loriel Salazar, Paolene Salvador at Joi Algaba, SK Treasurer Joan Dela Cruz at SK Secretary Jackzon Remondavia.
Magandang panimulang negosyo ang NegoKart na pagkakakuhanan ng pera na maaring dagdag sa gagamiting panggastos ng kabataang nakatanggap nito.
Layunin ng SK San Jose ang makapag bigay kabuhayan sa mga kabataan dahil nais nila na matulungan ang mga kabataan ng San Jose. Karamihan sa kabataan ang problema ay pera kaya naman pinapasukan nila ang ibat ibang trabaho.
#KabataanangBIDA #KabataangLodi2022 #TulongatMalasakit #SKNegokart