Ipapamimigay ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Jose, sa pangunguna ni SK Chairperson Monte Tolentino, sa ilang kabataan ng Barangay San Jose, ang mga NegoKart na magiging simula ng kanilang negosyong pangkabuhayan.
Gaganapin ang pamimigay sa Sabado, Agosto 6, 10 AM sa Barangay Hall ng San Jose at 3:30 PM sa Sitio Old Boso-boso covered court. Ipamimigay barangay hall ang 15 NegoKart at ipamimigay sa covered court ang 15 NegoKart.
Magkakaroon ng maikling programa sa gaganaping pamimigay ng pangkabuhayan hindi lamang para sa sariling kapakanan ng mga kabataan kungdi upang makatulong sila sa kani-kanilang mga pamilya.
Magbibigay ng Welcome Remarks si Tolentino. Nakatatak sa puso ni Tolentino ang kapakanan ng nakararami at ang magsilbi sa bayan. Kaya naman maligaya siya pag nalalaman niya na mayroon na naman siyang natulungan.
Inaasahang darating si Mayor Jun Ynares MD upang makapag bigay ng Inspirational Talk. Inaasahan ding makakarating at makakapag salita sila Vice Mayor Pining Gatlabayan at mga konsehal.
Mamamahagi ng NegoKart si Barangay San Jose Punong Barangay Boy Borja. Ipapaliwanag din niya kung paano mapalago at mapalaki ang negosyong NegoKart.
Mangunguna sa Invocation si SK Kagawad Angeline Pinote at magbibigay ng special message si SK Adviser Rey Rivera. Si SK Kagawad Rosa Dado naman ang magbibigay ng Closing Remarks.