Nagpunta sa Sitio Buhanginan, San Jose ang Sangguniang Kabataan Council ng Barangay San Jose, na pinangungunahan ni SK Chairman Monte Tolentino, upang magturo ng livelihood na soap making sa mga kabataan doon.
Ayon kay Tolentino napakahalaga na pumunta mismo sa mga iba’t ibang lugar ng Barangay San Jose dahil napakalaki ang sinasakupan nito.
Isa ang barangay sa pinakamalaking barangay sa buong Pilipinas kaya napaka importante na mag re reach out sa kabataan dito dahil hindi lahat sila nakaka-approach sa barangay.
Dinagdag niya na maaaring hindi alam ng mga ibang kabataan ang lahat ng services sa barangay na available at nakahanda kaya importante mag reach out sa kanila ayon kay Tolentino.
Pinasalamatan din ng Sangguniang Kabataan Council si Antipolo City Mayor Andeng Ynares at San Jose Punong Barangay Boy Borja sa suporta sa mga programa nila.
Kasama pumunta sa sitio sila SK Kagawad Mikko Suarez at Paolene Salvador, SK Secretary Jackzon Remondavia at Barangay Kagawad Ma. Teresa Mata,.
Nagpunta rin sa sitio sila Rey Rivera, Bryan Herrera at Mhonic Salvador.
Sinabi ni SK Kagawad Suarez na nagpatupad ng livelihood program si SK Chairman Monte Tolentino para magkaroon ng training sa soap making na maaaring pagkakitaan.
“Binigay ito ng SK Chairman natin upang ito makatulong sa atin. Sana yung puhunan palaguin pa natin hindi lang ngayon, sana Makita pa naming sa mga susunod na araw,” sabi ni SK Kagawad Suarez.
Nagpasalamat sa SK Council ang mga kabataang naturuan ng livelihood na pwede nilang pagkakitaan. Para naman sa SK Council gantimpala na sa kanila ang may natulungan sa mga kabataan ng San Jose.