Inaanyayahan ang lahat ng mga cycling organizations, transport sectors, non-government organizations (NGOs) at maging mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Antipolo na makiisa sa “Padyak Para sa Kalikasan” sa April 22, 2022 (Biyernes).
Magsisimula ito ng umaga sa Ynares Center Complex 6 AM. Iikot ito ng Senator Lorenzo Sumulong Circle at magtatapos sa Hinulugang Taktak.
Maaaring mag register onsite sa Ynares Center Complex ng 5 AM.
Proyekto ang “Padyak Para sa Kalikasan” ng Antipolo City Environment and Waste Management Office para magkaroon ng mas malalim na kamalayan sa kahalagahan na panatiliing malinis ang kapaligiran at kalikasan.
Mabuti rin ang biking para sa kalusugan. Lalakas ang ating cardiovascular endurance, muscle strength, flexibility at nakakapagpababa ng stress level.
Kaya tayo na sa Antipolo at pumadyak para sa kalikasan.
Para sa karagdagang detalye, tumawag sa CEWMO sa 8689-4566 at hanapin si Maria Cecilia S. Bacay.