Ginanap ang Inter-Color Basketball Tournament 2022 sa Sitio Tanzaville sa pamumuno ng SK Council ni SK Chairman Monte Tolentino at Basketball Committee Rey Rivera.
Sinuportahan ang tournament ng Agimat Party List pati na ni Konsi Bobot Marquez at Dok Ian Masangkay.
Malapit sa puso ni Konsi Bobot Marquez ang mga sports program sa lahat ng barangay sa Antipolo. Dati siyang atleta at nagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa De La Salle University sa pamamagitan ng isang sports scholarship.
Dalawang beses siya nagtamo ng MVP award sa NCAA. Naging miyembro siya ng national team sa basketball, naging professional player at sumikat bilang Kamikaze Kid ng Yco/Tanduay sa Philippine Basketball Association.
Samantala, isang konseho na kumakatawan sa lahat ng barangay sa Pilipinas ang Sangguniang Kabataan,
Isinabatas ang Sangguniang Kabataan Reform Act na gumawa ng makabuluhang pagbabago sa Sangguniang Kabataan noong 2016.
Ang SK Chairman ang pinuno ng Sangguniang Kabataan isang Youth Development Council (LYDC) ng mga grupo ng kabataan sa barangay pati na student councils, faith groups at iba pang grupo ng kabataan na community-based.
Nakaupo sa Sangguniang Barangay ang SK Chairman na nagsisilbing Chairman rin ng Committee on Youth and Sports ng barangay.