Apatnapu’t isang (41) Residential Free Patent and ipinagkaloob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) CALABARZON, katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Rizal, sa Samahang Masigasig Tapayan Homeowners Association (SAMATHOA) na kasalukuyang nag-ookupa ng bahagi ng Lupang Arenda sa Sitio Tapayan, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal.
Ang mga nasabing lupa ay sakop ng Alienable and Disposable (A&D) lands, alinsunod sa Land Classification Map No. 649 dated March 11, 1927. Ito ay sakop ng Resurvey Plan RS-04-000427 (Psu-56436) na may petsa na August 26, 1984 sa pangalan ng Republic of the Philippines (Lupang Arenda) na matatagpuan sa Sitio Tapayan, Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal, na may sakop na limang (5) ektarya ng lupa.
“Ito pong ipinamahagi nating lupa ngayon ay lupang naka-allot po sa DENR, pero dahil sa pakiusap ni Mayor, at ng SAMATHOA, ito po ay ipinagkaloob na natin sa unang batch at marami pa po tayong susunod na ipapamigay dito sa Lupang Arenda”, ani DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria,
Ang DENR Center ay mahigit kumulang 5 ektarya, na may higit 700 na pamilya na miyembro ng SAMATHOA. Ang 2.01 ektarya dito ay nasa labas ng pangangasiwa ng LLDA, na may lampas sa 12.5 metro ng mean lower low water (mllw) elevation, o taas ng tubig sa lawa.
Nitong nakaraang Marso 4, 2022, higit 40 na pamilya ang nabigyan ng titulo. Kasalukuyang pinoproseso ang titulo ng higit pa sa 300 na natitirang lote.
Samantala, 2.99 ektaryang lupa ay hindi pa maaaring maisyuhan ng titulo dahil ito ay naka sitwasyon mababa sa 12.5 metro.
Kaugnay nito, ay nagbigay ng direktiba si DENR Secretary Jim O. Sampulna na mag-isyu ng Certificate of Land Allocation (CELA) sa mga residente sa lugar habang patuloy ang pakikipag-ugnayan sa LLDA, na may hawak ng mandato ng nasabing mga lupa, alinsunod sa RA No. 4850.
“The CELA is already like a land title but you are not yet required to pay tax since we cannot yet have it titled due to its location,” dagdag pa ni Secretary Sampulna.
Binigyang pagkilala rin ni Sampulna at ni RED Tamoria ang mga inisyatibo ni dating Undersecretary for Solid Waste Management Benny Antiporda sa katuparan ng aktibidad na ito.
Alinsunod sa DENR Priority Program na Improved Land Administration and Management, ang Handog Titulo program ay naglalayong makapag isyu ng parehong residensyal at agrikultural na libreng patitulo.
Para makilahok sa libreng patitulo ng DENR, maaaring makipag ugnayan ang mga LGUs sa pinakamalapit ng DENR Office sa inyong lugar. Maaaring magpadala ng kahilingan ang mga Punong Bayan sa r4a@denr.gov.ph. Kung may katanungan, maaaring tumawag o magbigay ng mensahe sa 8888 hotline numero 09561825774/ 09198744369 at Trunkline No. (049) 540-DENR (3367) / (049) 554-9840 – 48 local – 121. Sundan ang opisyal na Facebook page ng DENR CALABARZON: https://www.facebook.com/DENR4AOfficial/ para sa iba pang updates.