Binuksan simula January 19, 2022, Miyerkules ang Rizal Mega Testing Center sa Ynares Events Center, Antipolo City.

       Na-disinfect na ang buong pasilidad at mayroon nang pansamantalang hahalili sa mga health care workers na kasalukuyang nagpapagaling mula sa COVID-19.

       Habang hinihintay makabalik ang lahat ng mga frontliners, limitado muna sa 400 slots ang tatanggapin.

       Bibigyang prayoridad ang 251 na naunang nagparehistro ngunit hindi na-swab last week.

       I-click ang sumusunod na link para sa listahan ng mga pangalan – https://bit.ly/SwabOnlineBookingList19January2022

       Ang natitira 149 ay allotted sa mga walk-ins on a “first come, first serve” basis. Bibigyang prayoridad natin ang mga senior citizens, mga may sakit (comorbidities), close contacts sa may COVID, mga buntis at mga pasyente na sasailalim sa operasyon o surgical procedure.

       Pansamantala din munang kanselado ang online booking. Walk-in muna  para sa mga nagnanais na magpa-swab o RT-PCR Test tuwing Monday, Wednesday at Friday (MWF). 

       Patuloy susundin ang itinakdang health protocols para sa proteksyon at kaligtasan.

       Pansamantalang itinigil ang testing simula January 14, 2022, Biyernes.

       Ginawa ito dahil nagpositibo sa COVID 19 ang karamihan ng mga health care workers at frontliners. Nakatalaga silang sumailalim sa mandatory isolation and quarantine habang nagpapagaling.

       Nagsagawa rin ng regular disinfection sa buong pasilidad upang matiyak na malinis at ligtas ito sa muling pagbubukas.