Sunday merong walk-in para vax

 Sunday merong walk-in para vax

       Kahit na Sunday, October 3 tumatanggap pa rin ng Walk-in sa Antipolo City para sa 1st at 2nd dose ng Sinovac at Pfizer.

       Pwede mag WALK-IN – taga Antipolo man o hindi – para 1st dose ng Sinovac sa 3rd floor, Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.

       Mababakunahan ang 1,200. Siguraduhing rehistrado sa vaccination program via https://antipolobantaycovid.appcase.net/.

       Tatanggap ng WALK-IN, para 1st dose ng Sinovac at pati na rin mga hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose matapos 28 days o higit pa.

       Pumunta lamang sa mga vaccination site sa Waltermart Mall, Circumferential Road; 3rd floor, SM Masinag; 3rd floor iMall Antipolo; at Victory Park and Shop near Antipolo Cathedral.

       Tatanggap ng WALK-IN para 1st dose ng Pfizer at para 2nd dose nito sa mga nabakunahan ng 1st dose 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 2nd floor ng SM Cherry Antipolo at sa Ground floor, Robinsons Place Antipolo.

       Habang naghihintay ng karagdagang supply ng bakuna, wala po muna tayong 1st dose at 2nd dose ng AstraZeneca at Moderna.

       Para sa 2nd dose Sputnik sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta mula Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.

       Paalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.

       Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.

       Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.

       Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide

       Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen

       Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS

342 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published.