Patuloy na tatanggap ng WALK-IN bukas, September 23, 2021, Thursday para sa mga unang beses magpapabakuna sa Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.

Hanggang 1,200 ang pwedeng bakunahan bukas ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Pumunta lamang sa 3rd floor, Ynares Events Center ang mga gustong magpabakuna taga Antipolo ka man o hindi.

Sa mga non-Antipolo residents, siguraduhin na rehistrado sa vaccination program via https://antipolobantaycovid.appcase.net/.

Samantala tatanggap din ng WALK-IN bukas September 23, Thursday para 2nd dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga hindi nakakatanggap ng pangalawang dose matapos 28 days o higit pa.

Pumunta lamang sa mga sumusunod na vaccination sites: Antipolo Cathedral, OLPS Gym; Waltermart Mall, Circumferential Road; 3rd Floor, SM Masinag; 2nd Floor, XENTRO Mall Antipolo, Sumulong Highway; 3rd floor, iMall Antipolo; 2nd floor, SM Cherry at sa Ground floor, Robinsons Place Antipolo. 

Tatanggap din ng Walk-In bukas September 23 para 2nd dose ng Pfizer para sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 3rd floor, SM Cherry.

Tatanggap din ng Walk-In bukas September 23 para 2nd dose ng AstraZeneca sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 8 weeks o higit pa. Pumunta lamang sa Victory Park and Shop Mall near Antipolo Cathedral,

Tandaan na may umiiral pa rin na curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.

Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, huwag kalilimutang dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card. Sa ngayon, ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.