Tuloy pa ring tatanggap ng WALK-IN – taga Antipolo ka man o hindi – para unang bakuna Lunes, September 27 sa Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.
Mababakunahan ang 1,200 ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Pumunta lamang sa 3rd floor, Ynares Events Center ang mga gustong magpabakuna.
Siguraduhing rehistrado sa vaccination program via https://antipolobantaycovid.appcase.net/.
Samantala tatanggap din ng WALK-IN Lunes Sept 27, para 2nd dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa mga hindi pa nakakatanggap ng pangalawang dose matapos 28 days o higit pa.
Pumunta lamang sa mga vaccination site sa iMall Antipolo; 2nd Floor, XENTRO Mall Antipolo; at CEMEX covered court, Sitio Tagbac, Barangay San Jose.
Tatanggap din ng Walk-In Lunes, Sept 27 para 2nd dose ng Pfizer para sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 2nd floor, SM Cherry at 3rd floor, SM Cherry.
Tatanggap din ng Walk-In Lunes Sept 27 para 2nd dose ng AstraZeneca sa mga hindi pa nababakunahan ng 2nd dose matapos ang 8 weeks o higit pa. Pumunta lamang sa Victory Park and Shop Mall sa tabi ng Antipolo Cathedral; sa Antipolo Cathedral, OLPS Gym; at sa Waltermart Mall, Circumferential Road.
Sa mga nabakunahan na ng first dose ng Moderna dito sa Antipolo pero hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose tatanggap din ng mga walk-in para sa inyong 2nd dose sa September 29, Miyerkules at September 30 Huwebes.
Paalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.
Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen
Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS