Kailangan mo ba ng hanapbuhay? Magandang balita. Kapag may Wifi may hanapbuhay.

Magkakaroon ng libreng training mula September 1 – October 26, 2021 (tuwing M-W-F, mula 8 a.m. – 12 noon) para sa mga in demand na skills ng Social Media Marketing at Advertising.

Narito ang pamantayan sa pagpili ng trainees:

• Filipino citizen na residente ng Rizal

• may laptop o desktop computer

• may maaasahang internet connection (ang online training ay via Zoom)

Pumunta sa link na ito para makapagregister: http://bit.ly/2021-DJTPH-LC2-Trainees-Application1.

Ang deadline ng application para sa libreng training na ito ay hanggang August 20, 2021.

Ang digitaljobsPH Technical Training ay programa ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal, ICT Literacy and Competency Development Bureau (ILCB), at Technology for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development (Tech4ED).

Naglalayon itong paghusayin ang mga Pilipino sa kanayunan upang mapadali ang kanilang pag-apply, pagkatanggap, at paggamit ng mga digital skills para sa trabahong online. Para sa karagdagang impormasyon, iemail ang: djph.lc2@gmail.com. #librengtraining #DigitalJobsPH #RizaleñoAlisto