Habang naghihintay ng next batch ng delivery ng vaccine mula sa Department of Health, muli binuksan ang online COVID-19 vaccine registration ng Antipolo City.
Narito ang mga steps:
1.Mag-create ng account sa bit.ly/antipolobantaycovid19
2.Mag-login at i-click ang “vaccine registration” button
3.Hintayin (ng ilang araw o ilang linggo depende sa availability ng bakuna) ang text message mula sa ating Vaccine Operations Center staff na naglalaman ng vaccination schedule at mga ilang paalala.
Nasa DOH priority groups sa buong bansa sa ngayon ang A1 (Medical Frontliners), A2 (senior citizens) at A3 (adults na may Sakit o Comorbidities).
Dahil sa kakulangan ng bakuna maaaring matagal bago makatanggap ng text (confirmation). Ibig po sabihin, kung sakaling nakapagpa register, kung wala namang delivery ng bakuna, wala din pong text (confirmation) na matatanggap at walang vaccination na magaganap.
Sa mga nakapag register at nakapag Sign Up na dati, hindi na po kailangan mag register muli.
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen