Pinangunahan ni Konsehal Angie Tapales ang panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal ng Ynares Unified Ladies Association ng Sitio Dao, Barangay San Luis Antipolo.
Si Marilou Maasim ang kanilang President. Iba pang opisyal sila Zenaida Olitan, Vice President; Marites Ruelan, Secretary; Jennifer Yuson, Treasurer; Janeth Dignos, Auditor; Gemmyma Barili, PRO; Angelica Capili at Daisy Mae Manago, Sergeants at Arms; Mitchel Ricamura at Maria Condrillon, Business Managers at Miriam Rodriguez, Coordinator.
Ang mga miyembro sila Mercy D. Lumitao, Gemma Apable, Jessielyn Dalagon, Alnie Capili, Marilyn Rosel, Laarni Capin, Jhizel Oliverio, Nenita Frias, Jinky Recana, Rodalia Ruano, Rhona Rufano at Liezel Oliverio.
Kasama rin sila Mary-Ann Alangilan, Jenelyn Alberto, Strawberry Ruelan, Noeme Alangilan, Jey-ann Mahinay, Roselyn Arabis, Gina Bercero, Ma. Melinda Crisostomo, Veronica Necolle Tortusa, Maricel Esguerra, Cecile Conjelado, Carmela Arcillas, Rosielyn Rosales, Jonalyn Oliverio, Hadassa May Jorolan, Aiza Cebuhano at Regine Maravilla.
Gusto ng YULA na ma-empower ang mga kababaihan ng Antipolo sa pamamagitan ng sariling kabuhayan at patuloy na ma-develop ang kanilang kaalaman sa makabagong teknolohiya at pamamaraan.
Mayroong patahian ang YULA President na si Maasim kaya naman isa sa project ng YULA ang paggawa ng basahan at pot holder na galing sa mga telang tira na itatapon na lamang.
Isa pang project ang pagsemento ng foot path sa Sitio Dao sa pamamagitan ng bayanihan ng mga residente. Nagkaroon na rin sila ng seminar sa paggawa ng atsara, labong at iba pang business para sa mga myembro.
Naghahanap pa ngayon ang YULA ng maaaring outlet ng kanilang mga basahan at pot holder. Gusto rin nila magpatayo ng tindahang bayan na pinatatakbo ng mga myembro at gusto rin nila ng karagdagang seminar para sa kaalaman ng mga myembro nila.