LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda Ni Patrick Espaldon – Daluyan ng Kalakal
Dalawang buwan ang darating na wala pong trabaho ang mga Kapwa dahil sa lockdown. Wala pong ibang inisip ang mga kapwa kundi ang pag-alala sa magiging kalagayan po nila. Ngunit bago pa man mangyari ang lockdown buo na po ang plano ng ating kumpanya sa ikabubuhay ng mga kawani nito.
Kaya kahit sinabi po ng pamahalaan na, no work no pay nitong lockdown hindi po ito sinunod ng ating top management. Bagkus nabuo po ang plano nilang bigyan ng pandemic allowance ang lahat ng kawani, mapa-regular ka man o probee.
Sa ipinakita po nila hindi ko mapigilan na isa rin tayo sa napaluha. Marami ang natuwa at nabuhayan ng loob. Hindi po inisip ng top management ang magiging kawalan ng kumpanya dahil sa pandemya. Bagkus mas inuna po nila ang kapakanan ng kanilang mga kawani.
Tunay na nadama ko po sa aking mga boss ang wagas na kabutihan para sa kapwa. At higit po sa lahat ang tunay na pagpapahalaga po nila sa diwa ng pakikipagkapwa-tao, pagpapakatao at pagkamakatao.
Ito po ang natutunan ko sa pinakamamahal ko pong kumpanya kung papaano pahalagahan at ipadama ang makataong trato sa kanilang mga empleyado.
Kaya po masasabi ko, I’m proud to be Panday!