Ipinatupad ang pitong araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa mga piling komunidad sa limang barangay sa Antipolo City.
Pinapakiusap ng Antipolo City na sana makiisa ang lahat hanggang sa huling araw ang bawat isa sa mga lockdown communities tulad ng ginawa ng mga taga Logcom at PiƱa Alley Bgy de la Paz.
Please stay home kung walang importanteng gagawin sa labas.
Samantala, patuloy na sasailalim ang Metro Manila, Laguna, at Cebu City sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), na itinakda ng pamahalaan. Bilang pag-iingat ito laban sa pagkalat ng Covid-19.
Limitado ang paglabas ng bahay ng mga residente para sa pangunahing serbisyo at trabaho.
Limitado din ang transportation services para sa essential goods at services, o mga pangunahing pangangailangan. Suspendido pa rin ang mga klase na kailangang pisikal na puntahan ng mga estudyante.
Papayagan naman ang piling manufacturing at processing plants na magbukas muli at pabalikin sa trabaho hanggang 50 porsiyento ng kanilang mga manggagawa.
Sa ilalim naman ng GCQ, limitado ang galaw ng mga tao sa mga takdang lugar. Limitado din ang transportation services bilang suporta lamang sa government at private operations.
Ang mga opisina ng gobyerno at mga industriya ay maaaring patakbuhin hanggang 75 porsiyento ng kanilang mga manggagawa. Bibigyan ng flexible arrangements sa limitadong kapasidad ang mga estudyante.