Sulat ni Reymark Abayan, Pandayan Bookshop Antipolo
Katuwang ng Department of Education at mga paaralan sa Antipolo ang Pandayan Bookshop Antipolo sa pagpapatupad ng Brigada Eskwela 2025 kung saan inihanda ang mga paaralan sa pagsisimula ng papasok na school year.
Ang Pandayan Bookshop ay taon-taon nakikiisa sa Brigada Eskwela. Ito ay upang maisabuhay ang misyon ng Pandayan “Maging Kabalikat ng Pamayanan tungo sa Kabutihan at Karunungan”.
Ang Pandayan Bookshop ay hindi lang basta nagtitinda, ito din ay tumutulong, nagsisilbing liwanag ng kabutihan at nagpupunla ng kilusan sa Pamayanan. Ito po ay tinatawag naming “Pandayan Cuatro”.
Sa pagsisimula ng Brigada Eskwela 2025 na may temang “Sama-sama para sa Bayang Bumabasa”. Ang Pandayan Bookshop Antipolo ay namahagi ng mga Cleaning Materials at tumulong sa paglilinis sa mga Eskwelahan ng San Jose National High School, Lores Elementary School, Knights of Columbus Elementary School, San Isidro Elementary School, San Isidro National High School at Isaias Tapales Elementary School.
Kasama ang buong Team ng Pandayan Antipolo na pinangunahan ng kanilang Store Executive na si Reymark Abayan. Kasama din sina Jhon Robert Hiray, John Michael Gutlay, Honey Grace Aguirre, Cale Randolph Sta. Ana, Lester Tancingco, Jeric Villanueva, Isaac JC Ramos, Janna Chinee Resco, Jaymark Jocoy, Diodora Nalic, Edgar Maray, Jonathan Balignasay, Rosemarie Cristobal at Micah Joy Oseo.
Nais iparating ng Pandayan Bookshop ang buong paghanga at pasasalamat sa mga Guro at pamunuan ng bawat Eskwelahan sa kanilang dedikasyon at sakripisyo para sa ating Paaralan at mga mag-aaral.
Ang kanilang sipag, tiyaga at pagmamahal ang nagsisilbing matibay na haligi ng pag-asa at inspirasyon sa buong pamayanan. Saludo po ang Pandayan Bookshop sa lahat ng mga Guro na patuloy na gumagabay sa mga kabataan.
Ang bawat kawani po ng Pandayan Bookshop ay patuloy na magiging katuwang sa paghahatid ng kalidad sa Edukasyon.