LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Daryl Usi, Gen. T. De Leon

Sobrang saya ng mga estudyante dahil nakakuha sila ng 100% grade sa kanilang project na diorama. Sa isang linggo kong pag-aassist sa kanila ay pinalawak ko ang kanilang imahinasyon sa paggawa ng kanilang diorama na para bang kaisa nila ako sa paggawa nito.

Binigay ko sa kanila ang mga murang produkto dahil mababa lang ang kanilang mga baon na pag-aambagan.

Nakakatuwa rin dahil parang bumalik din ako sa pagiging high school at gumagawa ng diorama upang makakuha ng mataas na grado. Nakakatuwa rin dahil hinanap nila ako upang sabihin na nakakuha sila ng 100% grade.

Kita naman sa kanilang obra maestrang diorama na parang hindi gawa ng mga high school student. Napakasarap sa pakiramdam ang makatulong sa kanila bilang nakakatandang kapatid at masuportahan ang pangangailangan ng ating mga Panauhin na Estudyante.

Sana ay makatulong ako muli sa kanila sa iba pa nilang mga proyekto.