LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Rosanna Rasonable, Canlubang
Ang pinakahindi ko malilimutan ay noong masaksihan ko ang palaging nababanggit sa akin ng mga Kapwa, maging noong orientation ko – ang tinatawag nila na “Reciprocity.”
Pabalik na kami noon sa tindahan at bago ka makapasok papuntang iMall ay kailangan muna dumaan sa arko ng Canlubang kung saan kailangan mo magbayad sa nangongolekta doon para padaanin ka.
Nang malapit na kami sa arko ay humarang na agad ang kolektor sabay tanong sa amin ng “Pandayan po?” Agad naman kami sumagot ng “Opo” at ipinakita rin namin sa kaniya ang aming mga ID.
Pagkatapos ay ngumiti ang lalaki at ipinataas ang barrier at sinabing, “Sige, basta Pandayan, libre sa akin.”
Napangiti naman kami at nagpasalamat sa lalaki. Marahil ganoon siya kabuti sa amin dahil sa tuwing namimili sila sa tindahan, palagi silang nagmamadali dahil limitado lang ang kanilang oras kaya naman agad namin silang inaassist.
Nakakakilig pala kapag personal mo na naexperience ang ganitong pangyayari. Ibang-iba talaga ang Pandayan Bookshop sa lahat ng aking nasubukang trabaho.