LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Akda ni Grace Dela Cruz, San Carlos
Sa buong buhay ko ay hindi ko inaakala na makakasakay ako ng eroplano at makakarating sa ibang bansa. Noong una na balibalita pa lang na ang integration ay sa ibang bansa, sobra akong nagulat at kinilabutan dahil hindi ko inakala na mararating ng ating kompanya ito.
Isa sa panagarap ng Pandayan para sa mga Kapwa Panday ang makapamasyal paminsan-minsan at natupad ito hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa pa. Sobrang amazing talaga! Dumaan man tayo sa malaking pagsubok (pandemya) ay hindi tayo nagpatinag at mas lalo pa tayong pinagtibay. At heto nga’t sa ibang bansa pa ang ating Integration.
Hindi biro ang expenses na inilaan ng kompanya para dito. Sobra ang aking paghanga sa ating kompanya. Sobrang blessed ako dahil may ganitong kompanya na sobra-sobra ang pagmamahal sa mga empleyado. Speechless na lang talaga ako sa lahat at sobra akong natotouch at naiiyak sa “first time ever experience” na ito.
Sobrang pagpapasalamat ko po kina Boss sa kanilang kabutihan sa bawat Panday.
Nang nagpopost ako sa aking FB account ng mga picture noong nasa Malaysia kami ay maraming mga FB friends ko ang namangha. Puro “sana all” ang komento sa akin lalo na sa ating kompanya. Kwento pa sa akin ng Nanay ko na may mga kapitbahay daw kami na nakita ng picture ko na nasa Malaysia. May pumunta pa nga raw sa amin dahil akala ay nangimbang bansa na talaga ako. Sinabi lang ng aking Nanay na, “Papasyal ng mga Boss nila Grace yon.”
Tuwang-tuwa ang aking mga kamag-anak, kapitbahay at kaibigan sa naging tour na ito. Sobrang dami talaga ang namangha at napasana-all na lang talaga.
Masasabi kong lahat ng hindi posibleng mangyayari sa buhay ay ginagawang posible ng Pandayan pagdating sa mga pangarap sa buhay. “Your wish is my command,” parang ‘yan ang sabi ng Pandayan. Basta nagsusumikap at nariyan ang katapatan mo ay talaga namang sa ‘di inaasahang pagkakataon ay binabalik nila ito palagi sa atin.