LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop

Akda ni Mello Jazz Perez, Sta. Rosa

Kamakailan ay nagkaroon ang Santa Rosa City ng Gawad Ginintuang Leon 2022. Ang award na ito ay ibinibigay sa mga karapat-dapat na sangay katuwang ng DepEd Santa Rosa sa pagbibigay ng kalidad at epektibong pagbabahagi ng kaalaman sa mga estudyante.

Sa aming FB account ay aking nai-scroll ang isang guro mula Aplaya ES. Ito ay si Ma’am Wench Nuyda. Nakita ko sa kanyang post na sa kanyang pamumuno sa proyektong KapitBasa, Brigada Pagbasa noong Book Month Celebration ay ang kanilang school ang nagwagi sa lahat ng pampublikong paaralan sa aming siyudad ng Santa Rosa.

Binanggit at pinasalamatan niya ang Pandayan Bookshop na naging isa sa mga sumuporta sa kanilang proyekto. Kung saan kami ay nagsagawa dito ng storytelling activity at booth selling sa kanilang Book Month Celebration noong nagdaang taon. Nag “congrats” din ang aming FB account sa kaniyang post na nag-reply din si Ma’am Wency na ang Pandayan ay bahagi ng award na iyon.

First time niyang naka attend at nabigyan pa siya ng award dahil sa pinaka-epektibong pamamaraan ng kanilang paaralan para sa KapitBasa Program.

Masarap sa pakiramdam na nakatulong kami sa simpleng paraan. Akala namin ay simpleng nagbasa, nagturo at nagpasaya lang kami ng mga bata noong araw na iyon ngunit higit pa ang nangyari. Masaya kaming lahat na naging bahagi kami ng tagumpay ng kanilang paaralan. Ang makasama sa kanilang pagpapasalamat ay isang kagalakan para sa amin. Isa itong patunay na ang Pandayan Bookshop ay kabalikat na nga ng pamayanan.