Tuloy tuloy ang mga proyekto ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Jose at kumatawan kay San Jose SK Chairman Monte Tolentino si SK Kagawad Mikko Suarez sa ginanap na Barkada Kontra Droga Drug Abuse Seminar sa Maximo Gatlabayan Memorial National High School.

Nagpunta sa ibat’t ibang paaralan sa Barangay San Jose ang Sangguniang Kabataan ng Barangay San Jose, sa pamumuno ni Tolentino upang maturuan at balaan ang kabataan sa panganib ng pinagbabawal na droga.

“Ang temang Barkada Kontra Droga ay isang pagbibigay kaalaman sa kabataan. So kailangan nating bumuo ng isang barkada para maiwasan natin ang paggamit ng masasamang gamut,” ang sabi ni Kagawad Suarez.

Idinagdag ni Suarez, na kasama si Bresildo “Boy” Baliton Hepe ng Barangay San Jose Barangay Public Safety Office, na layunin nito na maiwasan ng kabataan ang masamang bisyo kamukha ng paggamit ng droga.

Layunin din ito ng ACADAC (Antipolo City Anti-Drug Abuse Council) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagsanib pwersa sa Barangay San Jose at saka Sangguniang Kabataan.

“Nag conduct ng seminar na may temang Barkada Kontra Droga para maituro sa mga kabataan kung ano ang masamang mangyayari kapag gumamit ng ipinagbabawal na gamut,” sabi ni Suarez. “Nagsagawa din po ng ganitong awareness program sa lugar ng Old Boso-Boso National High School, Kaysakat High School at pati na rin sa Rizza National High School.”