LIHAM MULA SA PANDAYAN Sulat ng isang Kapwa Panday ng Pandayan Bookshop
Brian M. Alvarez – San Jose NE
Sa pagsubok na dala ng pandemya ay lalo ako bumilib sa mga Kapwa-Panday dahil hindi tayo nagtago. Kahit sa maliit na paraan ay sinikap at nagkaisa ang samahan para magparating ng tulong. Kitang-kita ang Bayanihan ng mga Kapwa.
Nakita din natin ang tatag ng samahan, kahit na limitado na magkita-kita tayo ay gagawa at gagawa ng paraan ang mga Kapwa para maging productive ang kompanya.
Mas lalo ako napamahal sa kompanya, dahil na din sa mga ehemplong executive ng kompanya, kahit may pandemya makikita pa din ang pagmamahal at pag-aalaga sa kompanyang bahagi na ng buhay natin.
Mas natutunan ko ma-appreciate ang nagagawa ko at nagagawa ng mga kasama ko sa tindahan, dahil mas nakikita ko ang saya na naidudulot noon sa samahan at maging sa mga Panauhin.