Tatlumpung NegoKart ang ipinamigay ng Sangguniang Kabataan ng Barangay San Jose, sa pangunguna ni SK Chairperson Monte Tolentino, sa mga kabataan ng Barangay San Jose.
Pinaalalahanan ni Tolentino ang mga tumanggap na magiging magandang simula ng negosyong pangkabuhayan ang mga NegoKart. Ipinamigay Sabado, Agosto 6, sa Barangay Hall ng San Jose at sa Sitio Old Boso-boso covered court ang mga NegoKart.
Kasama ni Tolentino sa Sitio Old Boso-boso covered court si Konsehal Michael Leyva sa pamimigay ng mga NegoKart. Kasama rin mga SK Kagawad na sila Mikko Suarez, Loriel Salazar, Paolene Salvador at Joi Algaba, SK Treasurer Joan Dela Cruz at SK Secretary Jackzon Remondavia.
Kasama naman sa Barangay San Jose covered court sila Vice Mayor Pining Gatlabayan, Konsehal Doc Ian Masangkay, Konsehal Christian Alarcon, San Jose Kagawad Paolo Garcia, Tess Mata at Emerson Palad, SK Adviser Rey Rivera, SK Kagawad Joi Algaba at SK Secretary Jackzon Remondavia.
Isa sa programa ng SK San Jose ang makapag bigay kabuhayan sa mga kabataan dahil nais nila na matulungan ang mga kabataan ng San Jose. Karamihan sa kabataan ang problema ay pera kaya naman pinapasukan nila ang ibat ibang trabaho.
Ang NegoKart ay magandang pagkakakuhanan ng pera bilang kita sa pagnenegosyo. Kaya naman sa pangunguna ni Tolentino ay binigyan ang mga kabataan ng San Jose ng mga NegoKart.