Isinagawa ng Barangay San Jose SK Council – sa pangunguna ni SK Chairman Monte Tolentino – ang annual Arbor Day 2022 Tree planting activity sa Sitio Canumay San Ysiro na pinangasiwaan ng Department of Interior and Local Government.
Pinangunahan ang tree-planting nila Rey Rivera, Janvier Gonzales, mga SK Kagawad Mikko Suarez, Loriel Salazar, Joi Algaba, Kate Ancheta at pati na rin si SK Secretary Jackzon Remondavia.
Kasama nila ang kinatawan ni Mayor Jun Ynares na si Councilor Doc Ian Masangkay.
Umakyat sa bundok para magtanim ang kabataan mula sa Sitio San Joseph, Sitio Kaysakat 1, Sitio Paenaan, , Sitio Boso-Boso, Sitio Pantay, Sitio Galilee, Sitio Gipit, Sitio Quarry, Sitio Pag-asa, Sitio Kabisig, Sitio Hinapao, Sitio Maligaya at Banderahan Neighborhood Association.
Pinasalamatan ni Tolentino si Mayor Jun Ynares at si Barangay San Jose Punong Barangay Boy Borja sa kanilang walang sawang pagsuporta sa mga proyekto ng SK ng Barangay San Jose.
“Sobrang saya po namin na nandito kayo. Taon taon sumusuporta kayo sa aming programang treet planting. Despite na malayo ang pinupuntahan natin eh maaga tayog gumigising lahat. Nandirito kayo sumusuportang lahat sa ating programa,” sabi ni Tolentino.
Ipinarating naman ni Councilor Masangkay ang pagsaludo at pagbati sa kabataan ni Mayor Jun Ynares. Pinasalamatan din niya ang mga kasama sa tree planting dahil sinabi niya na ang kanilang suporta ang dahilan ng pagkapanalo niya sa nakaraang eleksyon.
“Kagaya ng aking sinasabi, tayo po ay mag ta trabaho at gagampanan kung ano ang mga inaasahan sa akin. Tayo po ay magsisilbi at hindi pagsisilbihan. At maglilingkod, hindi paglilingkuran. Sana po ang mga itatanim natin ngayon ay magbunga. Makita nating lumaki at magbunga ng sa gayon ay mapakinabangan,” sabi ni Masangkay.
Iba’t ibang uri ng puno – tulad ng rambutan, guyabano at kasoy – ang itinanim sa kanya kanyang lugar sa bundok.