Layunin ni Barangay San Jose Sangguniang Kabataan Chairman Monte Tolentino na mabigyan ng pagkakataon ang kabataan ng kanyang barangay. Pagkakataon para matuto, umasenso sa buhay at marating ang kanilang potensyal.
“Ang nagbigay sa akin ng motivation, para mabigyan ng opportunity yung mga kabataan ng Barangay San Jose. Marami po akong naiisip na maibigay at maitulong sa kabataan ng barangay San Jose tulad ng mabigyan ng tulong yung mga PWD na usually hindi nakaka approach sa Barangay. (Mga programa para) Kabataan hindi lang sa Barangay San Jose, kungdi sa ibang barangay ng Antipolo City,” sabi ni Tolentino.
Nakatatak sa puso niya ang kapakanan ng nakararami at ang magsilbi sa bayan. Kaya naman maligaya siya pag nalalaman niya na mayroon na naman siyang natulungan.
“Ang nagbibigay sa amin ng kaligayahan sa aming pagbibigay serbisyo yung mga positive na feedback na natatanggap namin mula sa mga tao. Yung naririnig namin na nagpapasalamat sa amin personally. Then sa Facebook page namin mga nagpapasalamat,” sabi ni Tolentino.
“Then meron mga group chat din kami. Yung mga nagpapasalamat. Yung mga kabataan. Yun ang nagbibigay sa amin ng saya. Doon namin nasasabi na successful yung mga events namin at doon namin nakikita na effective kung ano yung mga programs na ginagawa namin,”
Kaya naman umaasa si Tolentino na marami pa siyang matutulungan – hindi lamang kabataan at residente ng Barangay San Jose, kungdi buong sambayanan ng Antipolo City.