Para sa ating lahat, lalo na sa mga kalalakihan, napakahalaga ng ating mga ama.
Kaya naman sa isang pahabol na selebrasyon ng Father’s Day, kung saan nagkaroon ng gift-giving para sa mga kabataang PWD sa Sitio Tanza 1 ang SK Council ng Barangay San Jose sa pamumuno ni SK Chairman Monte Tolentino, hindi nakakapagtakang malaman kung sino ang kanyang inspirasyon at role model.
“First role model ko is my dad. Siya kasi ang nagturo sa akin na maging grateful. Kaya kung ano man ang natatanggap ko, sobrang saya ko na kung ano yung itinutulong ko dito. Maraming natutuwa. Marami kaming natutulungan,” sabi ni Tolentino.
Idinagdag ni Tolentino na inspirasyon din niya ang napakasipag na alkalde ng Antipolo City, si Mayor Jun Ynares.
“And then syempre si Mayor Jun (Ynares) din. Kasi, lumaki ako sa Antipolo, at nakita ko yung progress na napaganda nya talaga yung Antipolo City,” sabi ni Tolentino.
Katulad ng iginagalang na alkalde ng Antipolo City na si Mayor Jun, nagpakadalubhasa rin si Tolentino sa medical field.
“May mga similarities (ang career) din kaya naging inspiration ko siya at naging isa siya sa mga naging role models ko. Napag sabay niya yung medical career at nandito na rin siya sa politics at nakakatulong siya at maganda yung mga programs na nagagawa niya para sa Antipolo City,” sabi ni Tolentino.
Napakarami pang programa na naiisip si SK Chairman Tolentino bukod pa sa gift giving sa kabataang PWD.
Isa dito ang pagbisita kamakailan ng SK Council ng Barangay San Jose, na pinangungunahan ni SK Chairman Tolentino, sa Ynares Covered Court ng Tanza 1 upang mamigay ng gifts at tulong sa mga kabataang PWD doon.
Dahil sa kanyang dalawang inspirasyon at role model – ang kanyang ama at si Mayor Jun Ynares – umaasa si Tolentino na marami pa siyang matutulungan, bilang isang lingkod bayan sa Barangay San Jose, at bilang isang propesyonal sa disiplinang medikal.