Bumisita sa Tanza 1 ang SK Council ng Barangay San Jose, na pinangungunahan ni SK Chairman Monte Tolentino, sa Ynares Covered Court ng Tanza 1 upang mamigay ng gifts at tulong sa mga PWD kabataan doon.
Ipinaliwanag ng SK Chairman Tolentino kung gaano kahalaga na pumunta mismo sa mga iba’t ibang lugar ng Barangay San Jose dahil napakalaki ang sinasakupan nito.
“Sobrang importante niya (bumisita sa Tanza 1) dahil ang Barangay San Jose ang isa sa pinakamalaking barangay sa buong Pilipinas. Kaya napaka importante na tayo mismo ang nagri-reach out sa kabataan dito since hindi lahat sila nakaka approach sa barangay,” sabi ni Tolentino.
Pinangunahan ni SK Chairman Tolentino ang pagbigay nang tulong sa mga PWD kabataan na hindi nadadala sa hospital at nag home visit naman sa mga hindi kayang magbyahe.
Dinagdag niya na maaaring hindi alam ng mga PWD kabataan ang lahat ng services sa barangay na available at nakahanda para sa kanila.
“(Maaari) hindi nila alam kung ano ang mga opportunities na pwede nilang makuha at iyong ibang programs ng Sangguniang Kabataan, yung iba, hindi naaabot. Kaya I think importante na tayo na mismo ang mag reach out sa kanila,” sabi ni Tolentino.
Pinasalamatan din niya si Antipolo City Mayor Andeng Ynares at San Jose Punong Barangay Boy Borja.
Kasama ni Tolentino sila SK Kagawad Mikko Suarez, Paolene Salvador at Loriel Salazar at SK Secretary Jackzon Remondavia. Kasama rin mga staff at iba pang officials pinangungunahan ni Rey Rivera.
Tumulong din sila Janvier Gonzales, Jewel Dela Cruz, Mhonic Salvador Jhun Celestino, Jhen Celestino at Tanza SK President Florinel Colita.
Abot-abot ang pasasalamat ng mga nabiyayaan ng pagbisita ng Barangay San Jose SK Council.
“Maraming salamat po sa groceries na binigay nyo sa akin SK Chairman Monte Tolentino at sa mga SK Kagawad. Sana po ay marami pa kayong matulungan. Huwag kayong magsasawang tumulong. Maraming maraming salamat po ulit,” ang sabi ng isang nabiyayaan ng tulong sa Tanza 1.