Nagpunta sa Antipolo City ang Swab Cab Team ni Vice President Leni Robredo. Ginawang testing site ang Ynares Center 8 a.m. onwards Lunes, January 17, 2022 para sa unang 1,000 aplikante na nais magpa-antigen test.
Tinanggap nila mga Antipolo at maging hindi taga Antipolo at humarap sila sa tao na pumasok sa West Gate ng Ynares Center.
Hiningi lamang nila na magsuot ng face mask, magdala ng ID, sariling card at vaccination card, kung mayroon.
Katuwang ng Office of the Vice President ang LGU ng Antipolo at Rizal, City Epidemiology and Surveillance Unit, UBE Express, Otsuka-Solar Philippines, Inc., Riders for Leni at RizaLeni Volunteer Group na nagtulungan para sa inisyatibong ito.
Kasama rin nila ang mga swabber at mga assistant mula sa mga sumusunod na partner institutions: Philippine General Hospital, East Avenue Medical Center, Amang Rodriguez Memorial Medical Center, Perpetual Help Medical Center, Makati Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Metro Antipolo Hospital and Medical Center, DOH – Philippine Center for Specialized Health Care, Philippine Red Cross, QC Protektodo Mass Vaccination, UERM Memorial Medical Center – College of Medicine at Our Lady of Fatima University – College of Medicine.
Naging napakalaking tulong ng free swab test ni VP Leni Robredo matapos masara ng ilang araw ang FREE RT PCR TEST sa Ynares Events Center na muli namang nagbukas pagkatapos ng ilang araw lamang na pagkakasara.