Dumalaw sa Antipolo City ang ilang mga aspirant para national position sa darating na 2022 elections.
Kasama sa mga dumalaw sa Antipolo si Vice President Leni Robredo; ang tambalang Senator Bongbong Marcos at Davao City Mayor Inday Sara Duterte; at pati na sina Manila Mayor Isko Moreno at Dr. Willy Ong.
Natuwa ang local government ng Antipolo City sa ipinakitang pagbibigay importansya ng mga kandidato sa mga mamamayan ng lungsod.
Hiniling ni Mayor Andeng Ynares at ni dating Rizal Governor at dating Antipolo City Mayor Jun Ynares na tiyaking kasama sa kanilang mga plataporma ang pagpapalakas ng mga local government, ang pag-ahon sa kahirapan ng mga kababayan natin, ang mabilis na pagwawakas ng pandemya sa ating bansa at pagbibigay importansya sa kapakanan ng mga maliliit na negosyante lalo na ang mga manggagawa.
Masaya ang pamunuan ng Antipolo na pinakinggan ng mga kandidato ang adhikain ng lungsod ng Antipolo at lalawigan ng Rizal.
Ipinahatid din nila na hangad ng lahat ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa panahon ng kampanya.
Panghuli, hiniling ng pamunuan ng Antipolo bilang dalangin na gabayan ang lahat ng ating mahal na Panginoon sa pagpili ng mga nararapat na mag lingkod sa ating bayan.