Meron na muli FREE RT PCR swab test sa Rizal Mega Testing Center sa Ynares Events Center, Antipolo City simula January 19, 2022, Miyerkules.

       Limitado sa 400 ang tatanggapin.

       Kasama dito ang 251 na nagparehistro ngunit hindi nai-swab last week. I-click ang link para sa listahan ng mga pangalan (https://bit.ly/SwabOnlineBookingList19January2022)

       Ibibigay sa mga walk-in on a “first come, first serve” basis ang natitirang 149.

       Prayoridad ang mga senior citizen, mga may sakit (with comorbidities), nagka close contact sa may COVID, mga buntis at mga pasyente na sasailalim sa operasyon o surgical procedure.

       Pansamantalang kanselado pa rin po ang online booking.

       Walk-in po muna para sa mga nagnanais na magpa-swab o RT-PCR Test tuwing Monday, Wednesday, and Friday (MWF). 

       Na-disinfect na ang buong pasilidad at mayroon nang pansamantalang hahalili sa ating mga health care workers na kasalukuyang nagpapagaling mula sa COVID-19.

       Habang hinihintay makabalik ang lahat ng mga frontliner, limitado muna sa 400 slots. Bibigyang prayoridad ang 251 na naunang nagparehistro ngunit hindi nai-swab last week.

       Pinapakiusapan ang lahat na patuloy sundin ang mga itinakdang health protocols para sa ating proteksyon at kaligtasan.