Ipinarating ni Deputy Speaker Loren Legarda sa taong bayan ang kanyang panalangin sa isang Maligayang Pasko at Masaganang Bagong Taon.

        “Salamat sa Diyos sa ating buhay, sa ating mga blessings, sa ating pamilya, at mga kaibigan at mga tapat na tumutulong sa akin para magawa ang aking tungkulin. Kaya walang tigil ang ating trabaho para makatulong, sa mga nasalanta ng bagyo, sa mga nawalan ng trabaho, sa mga may sakit, sa mga nangangailangan ng tulong sa edukasyon, marami pang iba,” sabi ni Legarda.

        “Ito po ang dahilan kaya ako ay puro trabaho, dahil maraming dapat tulungan. To whom much is given, much is expected. Merry Christmas Maligayang Pasko remember that Christmas is in our hearts.”

       Kinatawan ng Distrito ng Antique si Legarda.

       Ipinanganak Enero 28, 1960 si Legarda. Isa siyang politiko, environmentalist, cultural worker at dating journalist.

       Naging senador siya noong 1998 hanggang 2004 at 2007 hanggang 2019. Siya ang kaunaunahang babae na nanguna sa dalawang senatorial election noong 1998 at 2007.

#beblessed #sharingiscaring #lingkodloren