Samantalang kaugalian na bisitahin ang ating mga mahal na namayapa tuwing Undas, kailangang sumunod sa health at safety protocols dahil sa pandemya. Sarado po muna lahat ng sementeryo sa Antipolo, pam-publiko man o pribado, October 29 – November 2, 2021.
Kaugalian na po natin bilang mga Pilipino na gunitain ang Undas taon-taon sa pamamagitan ng pagdalaw sa ating mga namayapang mahal sa buhay upang magdasal at magsalo-salo bilang isang pamilya.
Subalit kailangan nating sumunod sa mga health and safety protocol kung saan limitado ang maaaring makapasok ng sabay-sabay sa mga sementeryo at columbariums dahil nasa gitna pa rin tayo ng pandemic.
Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Antipolo na magpunta tayo sa sementeryo sa anumang petsa maliban sa nakasanayan tuwing Undas upang maiwasan ang pagsisiksikan at pagkukumpulan.
Maaari din po tayong magtirik na lamang ng kandila sa ating mga tahanan tulad ng iba upang kahit na nasa bahay lamang, inaalala pa rin natin ang mga namayapa nating mga mahal sa buhay.