Walang tigil – kahit Sunday, October 17 – ang pagtanggap ng Walk-in, taga-Antipolo man o hindi, para mabakunahan ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, at Moderna.

       Para sa 1st dose mag rehistro sa vaccination program  https://antipolobantaycovid.appcase.net/.

       Para sa 1st dose ng Sinovac o 2nd dose, para sa nga nabakunahan ng 1st dose matapos ang 28 days o higit pa, maari mag Walk-in sa 3rd floor, Ynares Events Center.

       Para sa 1st dose ng AstraZeneca, o kaya 2nd dose sa mga nakakuha ng 1st dose makaraan ang 8 weeks o higit pa, pwede mag Walk-in sa 3rd floor, SM City Masinag; at 2nd floor, City Mall of Antipolo (CMA), Olalia Road, Barangay Dela Paz.

       Para sa 1st dose ng Pfizer, o kaya 2nd dose sa mga nabakunahan ng 1st dose 21 days o higit pa, pwede mag Walk-in sa 3rd floor, iMall Antipolo; 2nd floor, SM Cherry Antipolo; at Victory Park and Shop Mall near Antipolo Cathedral.

       Para sa 1st dose ng Moderna, o kaya 2nd dose sa mga nakakuha ng 1st dose 28 days o higit pa, maaari mag Walk-in sa Ground floor, Robinsons Place Antipolo.

       Samantala, para sa 2nd dose Sputnik at SinoPharm sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.

       Pinapaalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.

       Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.

       Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.

       Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide

       Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen        Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.