Patuloy na tumatanggap ng Walk-in Thursday, October 14 para mabakunahan ng 1st at 2nd dose ng Sinovac, Pfizer, Moderna at AstraZeneca; at 2nd dose ng Sputnik at SinoPharm sa Antipolo City.
Para sa 1st dose mag rehistro sa vaccination program https://antipolobantaycovid.appcase.net/.
Pwede mag WALK-IN – taga Antipolo man o hindi – para 1st dose ng Sinovac sa 3rd floor, Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo.
Tatanggap ng WALK-IN, para 1st dose ng Sinovac at pati na rin mga hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose matapos 28 days o higit pa. Pumunta lamang sa mga vaccination site sa Waltermart Mall, Circumferential Road; at 3rd floor, SM City Masinag.
Tatanggap ng WALK-IN para 1st dose ng Pfizer at para 2nd dose nito sa mga nabakunahan ng 1st dose 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 2nd floor, XENTRO Mall; 3rd floor, iMall Antipolo; 2nd floor, SM Cherry Antipolo; at Barangay Covered Court, Barangay Bagong Nayon (katabi ng barangay hall).
Para sa 1st dose o kaya 2nd dose ng Moderna sa mga nakakuha ng 1st dose ngunit hindi pa nabakunahan ng 2nd dose matapos ang 28 days o higit pa maaari mag walk-in sa 2nd floor, Xentro Mall; at Ground floor, Robinsons Place Antipolo vaccination center.
Para sa 1st dose o kaya 2nd dose ng AstraZeneca sa mga nakakuha ng 1st dose makaraan ang 8 weeks o higit pa pwede mag Walk-in sa Victory Park and Shop Mall near Antipolo Cathedral; at sa 3rd floor, CMA Antipolo.
Para sa 2nd dose Sputnik at SinoPharm sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.
Pinapaalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.
Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.
Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.
Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide
Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen
Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.