Patuloy tatanggap ng Walk-in Thursday, October 7 para babakunahan ng 1st at 2nd dose ng Sinovac at Pfizer; at 2nd dose ng Sputnik sa Antipolo City.

       Mag rehistro sa vaccination program  https://antipolobantaycovid.appcase.net/.

       Pwede mag WALK-IN – taga Antipolo man o hindi – para 1st dose ng Sinovac sa 3rd floor, Ynares Events Center, L. Sumulong Memorial Circle, Antipolo. Mababakunahan ng 1st dose ang 1,200.

       Tatanggap ng WALK-IN, para 1st dose ng Sinovac at pati na rin mga hindi pa nakakatanggap ng 2nd dose matapos 28 days o higit pa. Pumunta lamang sa mga vaccination site sa Waltermart Mall, Circumferential Road; 3rd floor, SM Masinag; Victory Park and Shop near Antipolo Cathedral; at CEMEX Covered Court, Sitio Tagbac, Barangay San Jose.

       Tatanggap ng WALK-IN para 1st dose ng Pfizer at para 2nd dose nito sa mga nabakunahan ng 1st dose 21 days o higit pa. Pumunta lamang sa 2nd at 3rd floor ng SM Cherry Antipolo; Ground floor, Robinsons Place Antipolo; 2nd floor, Xentro Mall at 3rd floor, iMall Antipolo.

       Para sa 2nd dose Sputnik sa mga nabakunahan ng 1st dose dito sa Antipolo maaari po kayong magpunta mula Lunes hanggang Biyernes mula 9 a.m. hanggang 4 p.m. sa Antipolo City Health Office sa M. Santos St., Barangay San Roque, Antipolo City.

       Habang naghihintay ng karagdagang supply ng bakuna, wala po muna tayong 2nd dose ng AstraZeneca at Moderna. Pakihintay lamang po ang text confirmation para sa inyong schedule.

       Paalala na umiiral pa rin ang curfew at maaaring hulihin ang mga lalabag.

       Para sa mga tatanggap ng 2nd dose ng anumang brand ng bakuna, dalhin sa vaccination center ang inyong vaccination card.

       Ang mga 18 years old and above lamang ang pinapayagan ng Department of Health DOH na bakunahan.

       Para sa karagdagang kaalaman pumunta sa http://bit.ly/BakunadoAntipoloGuide

       Para sa mga katanungan, makipag-ugnayan sa https://www.facebook.com/AntipoloVaccineOpCen        Para sa PASSWORD RETRIEVAL at iba pang Bantay COVID-19 QR Code CONCERNS, magpa-assist sa https://www.facebook.com/AntipoloCityGovMIS.