Muling nailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lalawigan ng Rizal mula Agosto 6 hanggang Agosto 15, 2021. Kasama rin sa MECQ ang lalawigan ng Cavite at Lucena City.
Ayon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) magkakaroon ulit ng curfew hours 10 p.m. hanggang 4 a.m.
Bawal na muli lumabas 24/7 ang mga below 18 years old, above 65 years old, mga may sakit at mga buntis pwera lamang kung sila ay magpapagamot, mamamalengke at walang mautusan, magtatrabaho at iba pang may mahahalagang lakad na Authorized Persons Outside Residence (APOR).
Pinapayagan ang lahat ng mga pampublikong transportasyon alinsunod sa sa mga guideline ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Public Transport Regulatory Board (PTRB).
Tuloy ang mga construction projects alinsunod sa mga guidelines ng Department of Public Works and Highways.
Pinapayagan ang food deliveries at take out. Maari ang indoor dine-in hanggang 10% samantalang ang mga al fresco o outdoor dine-in services ay maaari hanggang 50%.
Pwede mag-operate hanggang 30% ng venue o seating capacity ang mga beauty salons, beauty parlors, barbershops, nail spas at iba pa.
Ang mga establishments na nabigyan ng Safety Seal ay maaaring magdagdag ng 10% sa pinayagang venue capacity na inilahad sa itaas.
Pinapayagan ang mga religious gathering hanggang 30% ng venue capacity. Pwede rin (sa mga malapit lamang na kamag-anak) ang mga necrological service, lamay, inurnment at libing maliban sa mga namatay dahil sa COVID-19.
Hindi muna pinapayagan ang mga tourist attractions, libraries, archives, museums, galleries, cultural shows at exhibits.
Pinapayagan hanggang 50% ang mga sports sa outdoor courts at venues para sa mga non-contact sports tulad ng walking, jogging, running, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian, range shooting, diving at skateboarding.
Ipinagbabawal pa rin ang mga contact sports na indoor o outdoor.
Bawal pa rin ang meetings, incentives, conventions, exhibitions at iba pang mga social event.
Bawal pa rin ang mga sinehan; amusement/theme parks, casinos, lottery at betting shops; horse racing; recreational venues tulad ng mga internet cafe, bilyaran, bowling alleys, arcades; traditional cockfighting o sabong; entertainment venues tulad ng karaoke bars, bars, clubs, concert halls, at theaters; perya, amusement industries for children tulad ng playgrounds, playrooms at kiddie rides.